Bayanihan 60s

Bayanihan 60s

Bayanihan 60s

 

Formalismo

Sa simula ng maikling pelikulang ito, makikita natin ang iba’t ibang klase ng tao na abala sa kanilang mga gawain. Ititigil rin nila ito sa paglipas ng ilang sandal sapagkat makikita nila ang grupo ng mga taong nagtutulong sa pagbubuhat ng tila patong-patong na sirang bahay. Magdedesisyon ang karamihan na sumali at tumulong sa pagbubuhat at makikita sa huli na itatapon nila ito sa isang bangin.
Ang maikiling pelikulang ito ay tumatalakay sa pagpuksa ng kaharipan. Dito sa pelikulang ito, makikita natin na ginamit ang konsepto ng bayanihan upang laban ang kahirapan. Ang mga sira-sirang bahay ay sumisimbulo sa kahirapan na binuhat ng isang nagtulong-tulong na komunidad upang ihagis o itapon sa isang bangin. Ang pagtapon ng mga barong-barong na ito ay sumisimbulo sa pagwasak sa kahirapan. Marahil isang adhikain ng gumawa ng maikling pelikulang ito ang pagkakaroon ng maayos na tahanan para sa bawat Pilipino.

Marxismo

Hindi masyadong naipakita kung sino ang nakalalamang at kung sino ang nadedehado sa maikling pelikulang ito. Gayunpaman, mahihinuha natin na halos lahat ng tauhan dito ay nasa ibaba ng tatsulok. Sila yung mga manggagawa na subsob sa trabaho upang mabuhay ang kanilang mga pamilya. Katulad na lamang ng mga magsasaka na nagpapakin sa karamihan ng mga Pilipino ngunit makikita natin ang kalagayan nila sa pelikulang ito. Kahit na babad na babad sila sa arawan ay masasabi nating hindi komportable ang kanilang pamumuhay.
Kung titignan natin ito sa Marxismong pananaw, masasabi nating nabasag ng pelikulang ito ang tatsulok ng mga estado sa buhay. Makikita natin na sa pagsasama ng mga nadedehado, may kakayahan silang baguhin ang kalagayan ng mga mamamayan sa panahong ito. Sa pamamagitan ng bayanihan, nagawang nilang puksain ang kahirapan.
Sa huli, masasabi nating ang adhikain ng maikling pelikulang ito ay ang pagkakapantay pantay ng bawat tao. Gusto nitong basagin ang konsepto ng pagkakaroon ng nadedehado at nakalalamang. Kaya nga lang, magagawa lamang ito kung magtutulungan o magbabayanihan ang mga tao upang makamit ang minimithing pagkakapantay pantay.

Sinuri ni Arvin Pajarillo,E2012

Upuan ni Gloc 9 kasama si Jeazell Grutas

Upuan - Gloc 9 feat. Jeazell Grutas

Upuan - Gloc 9 feat. Jeazell Grutas

 Upuan by Gloc 9 feat. Jeazell Grutas
Formalismo
Ang Upuan ay tungkol sa mga karanasan ng mga naghihirap at ipinakita ito sa akda sa pamamagitan ng paguupo ng dalawang klaseng tao sa isang “upuan”. Ikinukuwento ng mga kumakanta ang pananaw ng mga mahirap. Dito sa inilalarawan nilang kabuhayan ng mahihirap, masasabi na sila’y naghahanap ng mga sagot at lunas sa mga problema nila at ang sanhi ng lahat para sa kanila ay ang mga nakatataas. Ang mga nakatataas naman ay pinakitang nakaupong komportable sa “upuan”. Makikita ditto ang pagitan ng dalawang klase ng tao at ang nagkakaibang pananaw nila patungo sa paano mabuhay sa mundo.
Naganap ang kanta sa isang lugar na may upuan na matatagpuan sa gitna. Sa simula ng akda ay makikita na may babaeng nakaupo sa upuan at minsan rin ay makikitang nakatakip ang mga mata ng babae. Sinimulan niya ang kanta sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga nakatataas na subukan naman nila ang kabuhayang mahirap. Sumunod na umupo ay isang lalaking na pinatuluyan ang kanta at dinagdagan ng lubos ng maraming detalyeng negatibo tungkol sa mga nakaaangat. Palipat lipat lamang ang eksena at minsan rin ay makikita ang mayayamang nakaupo sa upuan (ang naninigarilyo). Mahihinuha rito na patuloy pa rin ang pagwalang silbi ng mga mayaman sa mga hirap ng nakabababa sa kanila at wala silang balak na magbago kahit anuman pang pakiusap ang ginawa ng mga naghihirap.

Marxsismo
Sa marxsismong pananaw, makikita na ang upuan ay ang gamit ng kanta bilang simbolismo sa mga taong nakaangat. Maihahambing natin ito sa totoong mundo dahil sa kasulukuyan, totoo na karamihan sa may kapangyarihan ay walang paki sa mga taong nakabababa sa kanila. Madalas nilang nakakalimutan na pantay ang lahat ng tao at ‘di pera ang timbang ng kahalagahan ng isang tao. Kung tayo’y making sa kanta, makukuha natin na ang punto ng mga sinasabi ng kumakanta ay “subukan niyo naman tumayo” kung saan ang “niyo” ay ang mga may kapangyarihan. Makikita rin na minsan ay nakatakip ang mata o iba’t ibang elemento ng mukha ng kumakanta. Ito naman ay nagsisimbolo sa sadyang pagiging sarado ng mga nakatataas patungo sa kalagayan ng mga naghihirap. Sapagkat na nanghihingi ng tulong at naghahanap rin ng hustisya ang mga naghihirap, alam din nila na ‘di mamumulat ang mga mata ng mga makapangyarihan (ipinakita sa linyang “kahit sa dami ng pera niyo walang doctor na makapagpapalinaw ng mata niyo”). Kaya naman nakaalay pa rin ang pag-asa ng mga mahihirap sa kamay ng Diyos,na siyang magtatalaga ng kapantayan sa lahat. Sa huli, maaaring sabihin na kung inihambing ito sa totoong buhoy, magpapatuloy lang ang pagitan ng mahirap at mayaman, ngunit sa huli ay may isang hukom na makakakita sa lahat.

Sinuri ni Migy Cornejo, E2012

“Superman ang Misis Ko” ni Abdon M. Balde Jr.

Superman ang Misis Ko ni Abdon M. Balde Jr.

Superman ang Misis ko

ni Abdon M. Balde Jr.

Una ko siyang makadaupang palad, ramdam ko na agad ang tigas ng kanyang mga daliri. Sabi’y pinaglalaba’t pinagsisibak ng panggatong ng magulang. Tibo ka ba? tanong ko minsan. Ang sagot ay kunwaring suntok sa dibdib ko.

            Pero napakaganda niya para pakawalan. At napakabait. Siya’ng omoorder at nagdadala ng pagkain sa mesa. Inaalalayan niya ‘ko sa pagtawid sa kalsada.

            Nang ikasal kami’y kinarga niya ‘ko paakyat sa apartment, habang yakap ko ang saklay sa paa. Pangatlong palapag kami. Kanya ang mabibigat na gawain: pagkabit ng TV antenna, pagkumpone ng kisame, pagpalit ng screen. Ako’y taga-luto lang.

           Isang hatinggabi nagkasunog sa unang palapag. Abot sa ikaapat na palapag ang usok. Sensitibo ako sa usok, agad akong nahilo. Nang balikan ng malay, nasa ospital na ‘ko. Nasunog ang buong apartment. Kaunti kaming nakaligtas.

            Sa bagong apartment, bago matulog, tinanong ko kung paano n’ya ‘ko nailigtas. Inilipad kita palabas ng sunod na apartment, sagot n’ya.

Formalismo

Ang akda ay tungkol sa isang lalaking kinukwento at inilalarawan ang kanyang asawa. Kanyang sinabi ang pagiging malakas at iba ng kanyang asawa. Masasabing ang lalaki ay may problema sa kalusugan dahil una, gumagamit sya ng saklay (…kinarga niya ‘ko paakyat sa apartment, habang yakap ko ang saklay sa paa…) at pangalawa, ang kanyang pagiging sensitibo sa usok. Mahihinuhang dahil sa mga kahinaang ito ay nailarawang mas malakas ang babae at ang ito ang siyang gumagawa ng mga gawaing panlalaki.
Ang karurukan ng kwento ay ang pagkakaroon ng sunog sa tahanan ng mag asawa. Ipinakita rito ang pagsagip ng babae sa kanyang mister kahit sila ay nasa ikaapat na palapag ng gusali. Sa huli, nagtapos ito sa pagtanong ng lalaki sa kanyang asawa kung paano siya iniligtas nito. Sumagot ang babae at sinabing inilipad siya nito.
Ipinakita sa akdang ito na kahit may mga kakulangan ang lalaki, mayroon paring nagmamahal sa kanya na handang solusyunan ang kanyang mga pagkukulang.

Feminismo

Ang akda ay tungkol sa isang lalaking inilalawarawan ang kanyang asawa. Sa kanyang pagkuwento, ipinakita ang ibat’ ibang katangian ng kanyang misis na taliwas sa normal na paglalarawan sa mga kababaihan.

Sa akdang ito, inilarawan ang babae bilang malakas at tila asal lalaki. Sinabi rin na ang babae ay ginagawa ang mga gawaing lalaki lamang ang madalas na gumagawa. Halimbawa ng mga ito ay ang pagkabit ng mga kagamitan at pagkumpuni ng kisame.

Inilalarawan pa rin ang relasyon ng babae at lalaki bilang mag-asawa ngunit sa akdang ito, naging magkaiba ang mga gawaing kanilang ginagawa. Sa akdang ito, ipinakita na ang lalaki ang nagluluto, isang gawaing pambahay na kadalasang babae ang gumagawa.at ang babae naman ang siyang gumagwa ng mga kilos panglalaki katulad ng pagbuhat sa asawa, pagaayos ng kisame at iba pa.

Masasabing naisulong ng akdang ito ang feminism dahil naipakita nito na ang mga babae ay may kakayahang gawin ang mga gawaing madalas na sa lalaki lamang naitatakda. Ipinakita ito sa pagsabi na iniligtas ng Misis ang kanyang Mister sa sunog, isang simbolo na nagpapakita sa taliwas na paniniwalang ang lalaki, ang dapat sumagip sa kababaihan. Dahil dito, naipakita na ang mga kababaihan ay hindi mahina at may kakayahang makipagsabayan sa mga kalalakihan.

Sinuri ni Kyle Camarillo, E2012