Magasin – Eraserheads

Magasin - Eraserheads

MAGASIN

E. Buendia

Nakita kita sa isang magasin
Dilaw ang iyong suot at, buhok mo’y green
Sa isang tindahan
Sa may Baclaran
Napatingin, natulala sa iyong kagandahan

Naalala mo pa ba noong tayo pang dalawa
‘Di ko inakalang sisikat ka
Tinawanan pa kita
Tinawag mo ‘kong walang hiya
Medyo pangit ka pa noon
Ngunit ngayon… Hey

*CHORUS:
Iba na ang iyong ngiti
Iba na ang iyong tingin
Nagbago nang lahat sa ‘yo
Sana’y hindi nakita
Sana’y walang problema pagka’t kulang ang dala kong perang
Pambili… oooh… pambili sa mukha mong maganda

Siguro ay may kotse ka na ngayon
Rumarampa sa entablado
Damit na gawa ni Sotto
Siguro’y malapit ka na ring sumali
Sa Supermodel of the Whole Wide Universe… kasi
(Chorus)

Nakita kita sa isang magasin
At sa sobrang gulat hindi ko napansin
Bastos pala ang pamagat
Dalidaliang binuklat
At ako’y namulat sa hubad na katotohanan… hey
(Chorus)

Nasan ka na kaya
Sana ay masaya
At sana sa susunod na isyu
Ay centerfold ka na
Ooooooooohhhhh…

Formalismo
Kung susuriin sa Formalismong pananaw, ang kantang Magasin ng Eraserheads ay tungkol sa pagkukuwento ng isang lalaki nang makita niya ang ex niya sa isang magasin. Binanggit ng personang sobrang laki ng pinagbago ng ex mula nang huling magkita sila. Dagdag pa, gusto niyang bilhin ang magasin, ngunit wala siyang sapat na pera. Sinabi rin ng personang sa sobrang gulat, hindi niya napansing bastos pala ang pamagat ng magasing minomodelo ng ex niya. Sa kahulihan, hiniling na lang ng personang sana masaya na siya ngayon, at sana maging centerfold ang kaniyang ex sa susunod na isyu ng magasin.

Feminismo
Kung susuriin sa Feminismong pananaw, ang kantang magasin ng Eraserheads ay tungkol sa isang babaeng nagmodelo para sa isang bastos na magasin. Dagdag pa, ang tingin ng lipunan sa mga babae ay katulad ng tingin ng isang bata sa laruan. Kapag siya ay hindi kanais-nais, basta lamang siya tinatambak at kinalilimutan. Sa kabilang dako naman, kapag maganda ang babae, siya ay lubos na pinahahalahagan at ginagawang modelo.

Masasabing naitatag ng babae ang kaniyang sarili. Binanggit nga sa akdang siya ay pinagtatawanan ng kasintahan niya at tinatawag siyang pangit. Ngunit sa huli, sa halip na sumuko sa mga pang-iinis na ito, nakipaghiwalay siya sa kasintahan niya at nagpaganda.

Sinuri ni Alain Dee, E2012
Advertisements

“Superman ang Misis Ko” ni Abdon M. Balde Jr.

Superman ang Misis Ko ni Abdon M. Balde Jr.

Superman ang Misis ko

ni Abdon M. Balde Jr.

Una ko siyang makadaupang palad, ramdam ko na agad ang tigas ng kanyang mga daliri. Sabi’y pinaglalaba’t pinagsisibak ng panggatong ng magulang. Tibo ka ba? tanong ko minsan. Ang sagot ay kunwaring suntok sa dibdib ko.

            Pero napakaganda niya para pakawalan. At napakabait. Siya’ng omoorder at nagdadala ng pagkain sa mesa. Inaalalayan niya ‘ko sa pagtawid sa kalsada.

            Nang ikasal kami’y kinarga niya ‘ko paakyat sa apartment, habang yakap ko ang saklay sa paa. Pangatlong palapag kami. Kanya ang mabibigat na gawain: pagkabit ng TV antenna, pagkumpone ng kisame, pagpalit ng screen. Ako’y taga-luto lang.

           Isang hatinggabi nagkasunog sa unang palapag. Abot sa ikaapat na palapag ang usok. Sensitibo ako sa usok, agad akong nahilo. Nang balikan ng malay, nasa ospital na ‘ko. Nasunog ang buong apartment. Kaunti kaming nakaligtas.

            Sa bagong apartment, bago matulog, tinanong ko kung paano n’ya ‘ko nailigtas. Inilipad kita palabas ng sunod na apartment, sagot n’ya.

Formalismo

Ang akda ay tungkol sa isang lalaking kinukwento at inilalarawan ang kanyang asawa. Kanyang sinabi ang pagiging malakas at iba ng kanyang asawa. Masasabing ang lalaki ay may problema sa kalusugan dahil una, gumagamit sya ng saklay (…kinarga niya ‘ko paakyat sa apartment, habang yakap ko ang saklay sa paa…) at pangalawa, ang kanyang pagiging sensitibo sa usok. Mahihinuhang dahil sa mga kahinaang ito ay nailarawang mas malakas ang babae at ang ito ang siyang gumagawa ng mga gawaing panlalaki.
Ang karurukan ng kwento ay ang pagkakaroon ng sunog sa tahanan ng mag asawa. Ipinakita rito ang pagsagip ng babae sa kanyang mister kahit sila ay nasa ikaapat na palapag ng gusali. Sa huli, nagtapos ito sa pagtanong ng lalaki sa kanyang asawa kung paano siya iniligtas nito. Sumagot ang babae at sinabing inilipad siya nito.
Ipinakita sa akdang ito na kahit may mga kakulangan ang lalaki, mayroon paring nagmamahal sa kanya na handang solusyunan ang kanyang mga pagkukulang.

Feminismo

Ang akda ay tungkol sa isang lalaking inilalawarawan ang kanyang asawa. Sa kanyang pagkuwento, ipinakita ang ibat’ ibang katangian ng kanyang misis na taliwas sa normal na paglalarawan sa mga kababaihan.

Sa akdang ito, inilarawan ang babae bilang malakas at tila asal lalaki. Sinabi rin na ang babae ay ginagawa ang mga gawaing lalaki lamang ang madalas na gumagawa. Halimbawa ng mga ito ay ang pagkabit ng mga kagamitan at pagkumpuni ng kisame.

Inilalarawan pa rin ang relasyon ng babae at lalaki bilang mag-asawa ngunit sa akdang ito, naging magkaiba ang mga gawaing kanilang ginagawa. Sa akdang ito, ipinakita na ang lalaki ang nagluluto, isang gawaing pambahay na kadalasang babae ang gumagawa.at ang babae naman ang siyang gumagwa ng mga kilos panglalaki katulad ng pagbuhat sa asawa, pagaayos ng kisame at iba pa.

Masasabing naisulong ng akdang ito ang feminism dahil naipakita nito na ang mga babae ay may kakayahang gawin ang mga gawaing madalas na sa lalaki lamang naitatakda. Ipinakita ito sa pagsabi na iniligtas ng Misis ang kanyang Mister sa sunog, isang simbolo na nagpapakita sa taliwas na paniniwalang ang lalaki, ang dapat sumagip sa kababaihan. Dahil dito, naipakita na ang mga kababaihan ay hindi mahina at may kakayahang makipagsabayan sa mga kalalakihan.

Sinuri ni Kyle Camarillo, E2012

Ligaya – Eraserheads

Image

 Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?
Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko?
Tatlong oras na akong nagpapacute sa iyo
Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko

Ilang isaw pa ba ang kakain, o giliw ko?
Ilang tanzan pa ba ang iipunin, o giliw ko?
Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo
Wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko

[Chorus]
Sagutin mo lang ako, aking sinta’y walang humpay, na ligaya
At asahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko’y walang pangamba
Lahat tayo’y mabubuhay na tahimika’at buong ligaya

Oooh… ooooh… ooooh…

Ilang ahit pa ba ang aahitin, o giliw ko?
Ilang hirit pa ba ang hihiritin, o giliw ko?
Di naman ako mangyakis tulad nang iba
Pinapangako ko sa iyo na igagalang ka

(REPEAT CHOROS)

At asahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko’y walang pangamba
Lahat tayo’y mabubuhay na tahimika’at buong Ligaya

Formalismo

Sa Formalismong pananaw, ipinapakita sa akda ang pagpapapansin ng isang manliligaw sa kanyang napupusuan. Tinatanong pa niya kung ilang beses ba niya uulit-ulitin ang paggawa ng isang bagay para lamang makuha ang kanyang atensiyon. Ibinubuhos ng persona ang kanyang sarili na pinapatunayan ng kanyang pagsasakripisyo tulad ng paggawa niya ng tesis ng minamahal at pag-aayos ng sarili. Dahil sa pag-ibig, marami rin siyang binanggit na mga pangako. Sinabing buong magdamag ay magpapamalas niya ng pag-ibig at magbibigay ng respeto’t walang humpay na ligaya. Sa huli, ang akda ay tungkol sa panliligaw, at ang maraming ginawa ng persona para tangkilikin lang ng kanyang minamahal ang nararamdaman ng kanyang puso.

Feminismo

Kung titingnan sa Feminismong pananaw, ang kanta’y tungkol sa isang pursigidong lalaking gustong mapansin at sagutin ng babae. Ipinakita na ang babae ay mahirap abutin; marami siyang nais bago pansinin ang manliligaw. Mahihinuhang nahihirapan ang lalaki dahil sa mga linyang sinasabing ilang beses ba niyang gagawin ang isang bagay bago makita ng napupusuan.
Kung tutuusin, sa isang banda, tama nga naman ang paglalarawan sa babae. Marami siyang hilig na maaaring magpakita na siya’y mababaw at irasyonal. Puwede itong makumpara sa mga babaeng bili nang bili ng mga kagamitang mayroon na sila at kung iisipin, ‘di na nila kailangan. Gayon din ang pagtrato niya sa lalaki sa kanta dahil kahit ilang oras na siyang nagpapaakit at nangangakong paliligayahin ang babae, tila naghahanap pa ang babae ng mas marami pa para makuntento.
Ngunit sa kabuuan ng kanta, naisulong ng babae ang Feminismo dahil ito’y taliwas sa pag-iisip nating ang babae ay pumapailalim lamang sa mga lalaki. Marahil sa mundo ng pag-ibig, ang babae ay ‘di mahina dahil kung tutuusin, sila pa ang hinahabol ng mga lalaki.

Sinuri ni Nico Ancheta, E2012