Overdrive – Eraserheads

OVERDRIVE

E. Buendia

Alam mo mayron akong pangarap sa buhay
sana matupad na

Magda-drive ako hanggang Baguio
Magda-drive ako hanggang Bicol
Magda-drive ako hanggang Batangas
Tapos magswi-swimming d’on sa beach

Isasama ko ang girlfriend ko
Isasama ko kahit sinong may gusto
Kahit may kasama siyang aso
Basta’t meron siyang dalang sariling buto

Magdadala ako ng pagkain
Burger fries tapsilog at siopao

Magda-drive ako hanggang Visayas
Magda-drive ako hanggang sa Mindanao

Magda-drive ako buong taon
Magda-drive ako habang buhay
Magda-drive ako hanggang buwan
Please please lang turuan nyo
akong magdrive

Gusto kong matutong magdrive
(kahit na wala akong kotse)

Gusto kong matutong magdrive
(kahit na walang lisensya)

Magdrive….drive
Drive
magdrive…magdrive
Drive…drive…drive…drive

Formalismo

Sa pananaw na Formalismo ang kanta ay tungkol sa lalaking nagbabahagi tungkol sa kanyang pangarap. Ang pangarap niya ay magmaneho at makaikot sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas tulad ng Baguio, Bicol, Batangas, Visayas at Mindanao. Isa pa sa mga pangarap niya ay magmaneho boung buhay. Subalit may problema ang lalaki dahil hindi siya marunong magmaneho. Masasabi ito dahil sa linyang “please please lang turuan niyo akong magdrive.” Hindi lang iyon, ang lalaki ay walang kotse at lisenya. Kahit matuto man ang lalaki magmaneho, wala parin siyang kotse at lisenya upang magmaneho ng legal sa kalye ng Maynila. Madaming humaharang sa lalaki upang makamit ang pangarap niya at matupad ito.

Marxismo

Sinasabi sa idolohiyang may nakalalamang at may nalalamangan. Ang nalalamangan ay madalas walang pera at di makamit ang mga pangarap dahil sa mga kakulangan sa kakayanan niya. Sa kantang Overdrive pinakikita dito ang isang tao na may pangarap pero hindi niya ito makamit dahil madaming mga bagay na kailangan upang makamit ito, na wala siya. Sinasabi sa bandang dulo ng kanta na “wala akong kotse… walang lisensya.” Malinaw na malinaw ng lumalabas na naapi o nalalamangan dahil wala siyang mga ganito di tulad ng mga mayayaman na mayroong ganito. Dahil sa kakulangan ng pera, maaring di-matupad ang pangarap ng lalaki.

Sinuri ni Waldo Gallardo, E2012

McDonalds, Night Out

Formalismo
Gamit ng isang Formalismong pananaw, makikita ang dalawang dalagang babae na nakasakay sa kotse. Sa pinakasimula, bago maipakita ang mga babae, maipapakita ang mga tekstong “P25 Night Out”. Pagkatapos nito, maipapakita ang dalawang babae na kumakain ng “Sundae” sa loob ng kotse. Sila ay nakikinig sa isang kanta o tugtog sa loob ng kotse nila habang sila ay kumakain. Pagkatapos nila kumain, sinabi ng isang babae na “Wait”. Pagkatapos ng ilang sandali, tinanong niya sa kasama niya na “Tara na?” , at sinabi ng kasama niya na “Sige, tara!”. Pagkatapos nito, nag-ayos ang dalawang babae ng kanilang mukha sa pamamagitan ng paglalagay ng “make-up” sa kanilang mga mukha. Nang matapos ang mga babae sa pag-aayos ng kanilang mukha, ang isang babae ay nagbigay ng mga barya sa kanyang kasama. Pagkakuha niya ng pera, ang isang babae naman ay nagsimulang magmaneho. Nagmaneho sila hanggang naabutan nila ang isang bintana na may nakaantay na isang lalake sa loob nito. Nakangiti ang lalaki nang nakasalubong na siya ng dalawang babae. Binati ng lalaki ang mga babae sa pagsasabi niya ng “Hello”. Binati ng mga babae ang lalake sa pagsabi ng “Hi Ken!”. Tinanong ni Ken sa mga babae ng “Sundae?”. Sinabi naman ng mga babae na “Dalawa, please?”. Ang pagsalubong ng dalawang babae kay ken ay ang karurukan ng akda. Pagkatapos nito, ipinakita ang samu’t saring pagkain na tinatawag na “McSaver Meals”. Sa huli, naipakita si Ken na nakalabas ang kamay at kinukuha ang bawat barayang binibigay ng mga babae, at ang mga dalaga ay nagbibilang ng “21, 22, 23…” hanggang matapos ang akda.

Feminismo
Gamit ng isang Feminismong pananaw, naipapakita ng akda ang mga pagtingin sa babae ayong sa kanilang pag-uugali at pag-iisip. Bukod pa rito, naipapakita rin ang pag-uugnay ng isang babae at lalaki at ang pagtingin ng bawat kasarian sa isa’t isa. Sa simula, inilarawan ang mga babae bilang mga masyadong abala sa kanilang hitsura, at dahil dito, ang mga babae ay nag-aayos ng kanilang mukha upang maging mas maakit sa tingin ng lalaki. Ipinakita rin na ang mga babae ay emosyonal, at mababaw ang kanilang katuwaan dahil sa mga bahaging pinapakita na ang dalawang dalaga ay nag-aayos ng kanilang mukha, at sa bahaging nagmamadali sila sa kanilang ginagawa para maayos ang kanilang sarili. Ipinakita rin ang estereotipo na ang mga babae ay pinapahalagahan lamang ang isang lalaki kapag sila ay nakikilig sa hitsura ng isang lalaki, at ang mga babae ay hindi kayang mag-iisip ng malalim. Sa kabuuan, ang ideya ng akda ay hindi sang-ayon sa ideyang Feminismo dahil ipinakita ang mga babae ayon sa estereotipong nakasanayan, at hindi ipinakita ang babae bilang pantay sa lalaki o na taliwas sa esterotipo ng mga babae.

 

Sinuri ni J.E. Libutaque, E2012

McDonald Commercial 2011

 

McDonald Commercial 2011

Formalismo
Kung titingnan sa Formalismong pananaw, ang akda ay tunkgol sa dalawng bata na naguusap sa isang palaruaan. Ipinakita rin sa akda and pagtatanong ng babae sa lalaki kung magkasintahan na sila. Ang nagging sagot ng lalaki ay ayaw pa raw niyang magkaroon ng kasintahan sapagkat hindi pa raw siya handa at maraming hinihingi ang isang kasintahan. SInabi ng babae na isa lang naman ang ninanais niya at ito ay ang “Mcdo fries”. Ang paglalakad ng dalawang bata habang hawak ng batang babae ang naging karurukan ng akda. Mapapansin din na sinusubukan ng lalaki na hawakan ang kamay ng babae.

Feminismo

Kung titingnan sa Feminismong pananaw, ang akda ay tungkol sa pananaw ng lipunan sa mga babae. Ipinakita rin dito ang pagiisip ng mga lalaki pagdating sa usapan ng pagkakaroon ng kasintahan. Masasabi natin na ang batang babae ay gustong maging kasintahan ang batang lalaki. Ngunit ang iniisip ng lalaki na hindi pa siya handa at pati na rin alam niyang mahirap magkaroon ng kasintahan dahil marami itong hihingiin at gusto.
Sa akdang ito, inilarawan ang babae bilang mga makasarili at gusto magkaroon ng kasintahan upang maukha ang gusto nila. Ito ang karaniwang tingin ng lipunan sa mga babae sa isang relasyon. Pinapakita rin dito ang ugali ng isang babae at ang dahilan nila kung bakit nila gusto magkaroon ng isa kasintahan. Ang pinakitang relasyon ng kababaihan sa kalakihan ay ang kagustuhan ng kababaihan sa pagbili sa kanila ng mga kagustuhan nila. Pinapakita rin ng akda na mas gugustuhin ng mga lalaki ang mga babae na konti lang ang ginugusto. Ang patunay dito ay ang pagbili ng batang lalaki ng “Mcdo fries” sa babae noong sinabi niya nay un lang ang gusto niya.
Pinawalang-bisa ng akda ang layuning feminismo sa pamimigitan ng papakikita ng situasyon kung saan sinabi ng batang lalaki ang mga dahilan kung bakit ayaw niyang magkaroon ng kasintahan.

 

Sinuri ni Gani Trinidad,E2012

Upuan ni Gloc 9 kasama si Jeazell Grutas

Upuan - Gloc 9 feat. Jeazell Grutas

Upuan - Gloc 9 feat. Jeazell Grutas

 Upuan by Gloc 9 feat. Jeazell Grutas
Formalismo
Ang Upuan ay tungkol sa mga karanasan ng mga naghihirap at ipinakita ito sa akda sa pamamagitan ng paguupo ng dalawang klaseng tao sa isang “upuan”. Ikinukuwento ng mga kumakanta ang pananaw ng mga mahirap. Dito sa inilalarawan nilang kabuhayan ng mahihirap, masasabi na sila’y naghahanap ng mga sagot at lunas sa mga problema nila at ang sanhi ng lahat para sa kanila ay ang mga nakatataas. Ang mga nakatataas naman ay pinakitang nakaupong komportable sa “upuan”. Makikita ditto ang pagitan ng dalawang klase ng tao at ang nagkakaibang pananaw nila patungo sa paano mabuhay sa mundo.
Naganap ang kanta sa isang lugar na may upuan na matatagpuan sa gitna. Sa simula ng akda ay makikita na may babaeng nakaupo sa upuan at minsan rin ay makikitang nakatakip ang mga mata ng babae. Sinimulan niya ang kanta sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga nakatataas na subukan naman nila ang kabuhayang mahirap. Sumunod na umupo ay isang lalaking na pinatuluyan ang kanta at dinagdagan ng lubos ng maraming detalyeng negatibo tungkol sa mga nakaaangat. Palipat lipat lamang ang eksena at minsan rin ay makikita ang mayayamang nakaupo sa upuan (ang naninigarilyo). Mahihinuha rito na patuloy pa rin ang pagwalang silbi ng mga mayaman sa mga hirap ng nakabababa sa kanila at wala silang balak na magbago kahit anuman pang pakiusap ang ginawa ng mga naghihirap.

Marxsismo
Sa marxsismong pananaw, makikita na ang upuan ay ang gamit ng kanta bilang simbolismo sa mga taong nakaangat. Maihahambing natin ito sa totoong mundo dahil sa kasulukuyan, totoo na karamihan sa may kapangyarihan ay walang paki sa mga taong nakabababa sa kanila. Madalas nilang nakakalimutan na pantay ang lahat ng tao at ‘di pera ang timbang ng kahalagahan ng isang tao. Kung tayo’y making sa kanta, makukuha natin na ang punto ng mga sinasabi ng kumakanta ay “subukan niyo naman tumayo” kung saan ang “niyo” ay ang mga may kapangyarihan. Makikita rin na minsan ay nakatakip ang mata o iba’t ibang elemento ng mukha ng kumakanta. Ito naman ay nagsisimbolo sa sadyang pagiging sarado ng mga nakatataas patungo sa kalagayan ng mga naghihirap. Sapagkat na nanghihingi ng tulong at naghahanap rin ng hustisya ang mga naghihirap, alam din nila na ‘di mamumulat ang mga mata ng mga makapangyarihan (ipinakita sa linyang “kahit sa dami ng pera niyo walang doctor na makapagpapalinaw ng mata niyo”). Kaya naman nakaalay pa rin ang pag-asa ng mga mahihirap sa kamay ng Diyos,na siyang magtatalaga ng kapantayan sa lahat. Sa huli, maaaring sabihin na kung inihambing ito sa totoong buhoy, magpapatuloy lang ang pagitan ng mahirap at mayaman, ngunit sa huli ay may isang hukom na makakakita sa lahat.

Sinuri ni Migy Cornejo, E2012

Tindahan ni Aling Nena – Eraserheads

Tindahan ni Aling Nena - Eraserheads

Tindahan ni Aling Nena - Eraserheads

TINDAHAN NI ALING NENA

E. Buendia

Pumunta ako sa tindahan ni Aling Nena para bumili ng suka
Pagbayad ko aking nakita isang dalagang nakadungaw sa bintana
Natulala ako, laglag ang puso ko nalaglag rin ang sukang hawak ko

Napasigaw si Aling Nena, ako naman ay parang nakuryenteng pusa
Ngunit natanggal ang hiya nang nakita ko na nakatawa ang dalaga
Panay ang sori ko, sa pagmamadali, nakalimutan pa ang sukli ko.
Pagdating sa bahay, nagalit si nanay pero oks lang, ako ay in-lab nang tunay.

Chorus:
Tindahan ni Aling Nena
Parang isang kuwentong pampelikula
Mura na at sari-sari pa ang itinitinda
Pero ang tanging nais ko ay ‘di nabibili ng pera.
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/e/eraserheads/tindahan_ni_aling_nena.html ]
Pumunta ako sa tindahan kinabukasan para makipagkilala
Ngunit sabi ni Aling Nena habang maaga’y huwag na raw akong umasa
Anak niya’y aalis na, papuntang Canada, tatlong araw na lang ay babay na.

(Repeat Chorus)

Hindi mapigil ang damdamin ako’y nagmakaawang ipakilala
Payag daw siya kung araw-araw ay meron akong binibili sa tinda niya.
Ako’y pumayag at pinakilala niya sa Kanyang kaisa-isang dalaga
Ngunit nang makilala, siya’y tumalikod na at iniwan akong nakatanga.

(Repeat Chorus)

Chorus 2:
Tindahan ni Aling Nena
Dito nauubos ang aking pera
Araw-araw ay naghihintay
O Aling Nena, plis naman, maawa ka

Alam ninyo’ng nangyari?

Wala… wala… ahh…
O Diyos ko!
Wala… wala… ahh…

Formalismo

Kung titignan ang akda sa isang Formalismong pananaw, ito’y tungkol sa isang tao na nais bumili at magbayad sa tindahan upang makilala ang isang babae. Ang nanay ng babae ay nagbigay ng babala sa lalaki na aalis ang kanyang anak sa tatlong araw para sa Canada, pero nagpilit ang lalaki na makilala ang babae dahil sa kanyang damdamin. Sa huli, pumayag ang nanay na bumili ang lalaki sa tindahan niya. Sa tatlong araw ay kinilala niya ang dalaga at, sa katapusan, umalis ang babae at walang nakuha ang lalaki para sa pagsisikap niya kundi ang mga alaala niya tungkol sa babae.

Sa simula, alam naman ng lalaki na walang saysay ang gagawin niya, pero, dahil sa kanyang damdamin, hinabol pa rin niya ang babae. Nagpapakita ang kanta kung paano maaaring apihin ng pag-ibig ang pag-iisip ng tao. Hindi mahalaga kung nabigo ang isang tao; hanggang may pag-asa pa rin, tutuloy niyang habulin ang kanyang pag-ibig.

Feminismo

Kung pag-aralan ang akda gamit ang feminismo, makikita na itinuturing bilang isang produkto sa tindahan ni Aling Nena ang kanyang anak. Para makilala ng lalaki ang dalaga, kailangan niyang bumili ng produkto sa tindahan ni Aling Nena. Kahit hindi direkta ang pagbigay ng pera ang lalaki para makilala ang dalaga, tila binebenta ni Aling Nena ang kanyang anak sa lalaki.

Hindi inaangat ng kanta ang imahe ng mga kababaihan. Nagpapatuloy ang awit sa pagpapakita ng imahe ng mga babae bilang mga premyo o bilang mga bagay na kailangang bilihin para makuha. Pero, hindi lamang ang lalaki ang may kasalanan; pati na rin ang ina, si Aling Nena, na nagpapatuloy sa pagstereotipika sa babae. Binebenta niya ang anak niya sa lalaki. Pinapakita nito ang estereotipikong pananaw na maaaring magawa ng magulang ukol sa nais nilang mangyari sa kanilang mga babaeng anak.

Hindi rin binigyan ng ‘karakter’ ang dalaga sa kanta nito, tulad ng persona at si Aling Nena. Sa huli, ipinalabas lamang siya bilang isang produkto sa tindahan ni Aling Nena.

Sinuri ni Mark Juanson, E2012

Ang Huling El Bimbo – Eraserheads

Ang Huling El Bimbo - Eraserheads

ANG HULING EL BIMBO

E. Buendia

Kamukha mo si Paraluman nung tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw mapa-Boogie man o Chacha
Ngunit ang paborito ay pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw, nakakatindig balahibo

Pagkagaling sa ‘skwela ay didiretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako

CHORUS
Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay

Naninigas aking katawan ‘pag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng bewang mo at pungay ng ‘yong mga mata
Lumiliwanag ang buhay habang tayo’y magkaakbay
At dahan-dahang dumudulas ang kamay ko sa makinis mong braso, hooh

Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo, hoh
Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko

(CHORUS)

La la la la, la la, la la, la la la

Lumipas ang maraming taon, ‘di na tayo nagkita
Balita ko’y may anak ka na ngunit walang asawa

Tagahugas ka raw ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi’y nasagasaan sa isang madilim na eskinita, hah

Lahat ng pangarap ko’y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw

(CHORUS 2x)

CODA
La la la la, la la, la la, la la la [2x]

Formalismo
 
Sa akdang Huling El Bimbo, makikita rito ang pangyayari sa buhay ng isang babaeng magaling sumayaw. Masasabi na magaling sumayaw ang babaeng ito sapagkat nakatawag pansin ang kanyang pagsasayaw sa kaibigan niyang lalaki. Nang sila’y nag-aaral na, madalas dumadalaw ang lalaki sa pamamahay ng babae upang magpaturo sumayaw ng el bimbo, isang sayaw na nagpakilala sa kagalingan ng babae. Di lumaon ay tumanda na ang dalawa. Nagkahiwalay sila ng landas, ngunit matagal na silang di nagkikita. Nabalitaan na lang ng lalaki na naanakan ang kababatang babae at naging tagahugas ng pinggan sa may ermita. At isang gabi, nasagasaan ang babae sa isang madilim na eskinita. Bago ang huling pag-awit ng koro, sinabi niya na natunaw na ang kanyang mga pangarap at na panaginip na lang raw niya maisasayaw ang babae. Sa pagtatapos ng kanta, inulit muli ang koro, pagkatapos ng huling berso.
 
Feminismo
 
Ang akdang Ang Huling el bimbo ay tungkol sa kwento ng kasintahan ng isang lalaki. Noong sila’y mga bata pa lamang, tinuturuan ng babae ang lalaki sa pag sayaw ng el bimbo. Sa ikatlong saknong ng kanta, makikita na nabubuo ang relasyon ng dalawa dahil sa madalas na pag dalaw ng lalaki at ang pagpapaturo nitong sumayaw. Sa akdang ito, pinapakita na magaling sumayaw ang mga babae. Sa ikalawa at ikalimang na saknong, manghang-mangha ang lalaki sa pagsayaw ng kanyang kasintahan. Pinapakita rito na ang mga babae ay tinitingalaan ng kanilang mga nobyo dahil sa kanilang kagalingan. Sa buong kanta, makikita sa mga salita na kahit nagkamali ang babae , nais pa rin ng lalaki na Makita siya nito. Sa aking palagay, hindi naisulong ang femenismo sa akda. Kahit na tinitingala ang babae rito ,wala akong nakitang pagtubo o pagkilos na nagpa-angat sa imahen ng babae sa kanta.
 
 
Sinuri ni Kim Viloria, E2012

Magasin – Eraserheads

Magasin - Eraserheads

MAGASIN

E. Buendia

Nakita kita sa isang magasin
Dilaw ang iyong suot at, buhok mo’y green
Sa isang tindahan
Sa may Baclaran
Napatingin, natulala sa iyong kagandahan

Naalala mo pa ba noong tayo pang dalawa
‘Di ko inakalang sisikat ka
Tinawanan pa kita
Tinawag mo ‘kong walang hiya
Medyo pangit ka pa noon
Ngunit ngayon… Hey

*CHORUS:
Iba na ang iyong ngiti
Iba na ang iyong tingin
Nagbago nang lahat sa ‘yo
Sana’y hindi nakita
Sana’y walang problema pagka’t kulang ang dala kong perang
Pambili… oooh… pambili sa mukha mong maganda

Siguro ay may kotse ka na ngayon
Rumarampa sa entablado
Damit na gawa ni Sotto
Siguro’y malapit ka na ring sumali
Sa Supermodel of the Whole Wide Universe… kasi
(Chorus)

Nakita kita sa isang magasin
At sa sobrang gulat hindi ko napansin
Bastos pala ang pamagat
Dalidaliang binuklat
At ako’y namulat sa hubad na katotohanan… hey
(Chorus)

Nasan ka na kaya
Sana ay masaya
At sana sa susunod na isyu
Ay centerfold ka na
Ooooooooohhhhh…

Formalismo
Kung susuriin sa Formalismong pananaw, ang kantang Magasin ng Eraserheads ay tungkol sa pagkukuwento ng isang lalaki nang makita niya ang ex niya sa isang magasin. Binanggit ng personang sobrang laki ng pinagbago ng ex mula nang huling magkita sila. Dagdag pa, gusto niyang bilhin ang magasin, ngunit wala siyang sapat na pera. Sinabi rin ng personang sa sobrang gulat, hindi niya napansing bastos pala ang pamagat ng magasing minomodelo ng ex niya. Sa kahulihan, hiniling na lang ng personang sana masaya na siya ngayon, at sana maging centerfold ang kaniyang ex sa susunod na isyu ng magasin.

Feminismo
Kung susuriin sa Feminismong pananaw, ang kantang magasin ng Eraserheads ay tungkol sa isang babaeng nagmodelo para sa isang bastos na magasin. Dagdag pa, ang tingin ng lipunan sa mga babae ay katulad ng tingin ng isang bata sa laruan. Kapag siya ay hindi kanais-nais, basta lamang siya tinatambak at kinalilimutan. Sa kabilang dako naman, kapag maganda ang babae, siya ay lubos na pinahahalahagan at ginagawang modelo.

Masasabing naitatag ng babae ang kaniyang sarili. Binanggit nga sa akdang siya ay pinagtatawanan ng kasintahan niya at tinatawag siyang pangit. Ngunit sa huli, sa halip na sumuko sa mga pang-iinis na ito, nakipaghiwalay siya sa kasintahan niya at nagpaganda.

Sinuri ni Alain Dee, E2012